Kinumpirma nitong Pebrero 28,2022 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ligtas na pagdating ng anim na Pilipino mula sa Ukraine sa Republic of Moldova.
Kabilang sa evacuees ang fourth-year medical student ng Bukovinian State Medical University,dalawang Pinoy na nakapag-asawa ng Ukrainian nationals (isa na bumiyahe kasama ang kanyang 2-taong gulang na anak na lalaki), at dalawang Pinoy na nagtatrabaho sa international organization matpos na makatawid sa Moldovan border.
Si Honorary Consul Victor Gaina ng Philippine Honorary Consulate isa Chisinau, Moldova, sa malapit na koordinasyon sa Philippine Embassy sa Budapest,sa pangunguna ni Ambassador Frank R. Cimafranca, ay inasistehan ang ligtas na pagdaan ng mga Pinoy patungong Moldova. Mismong si Consul Gaina ang nag-ayos ng kinakailangang documentary requirements para siguruhin ang kanilang e-Visas sa pagpasok ng nasabing bansa.
Magsasagawa naman ng arrangements ang Philippine Embassy sa Budapest at Philippines Consulate sa Chisinau upang madala ang apat sa Romania kung saan sila kukuha ng kanilang repatriation flight patungong Manila.
Ang mga Pinoy na nangangailangan ng repatriation assistance malapit sa borders ng Moldova at Romania ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Budapest sa pamamagitang ng mga sumusunod na contact details:
Hungary
Budapest PE emergency hotline:
+36 30 202 1760
ATN Officer Claro Cabuniag:
+36 30 074 5656 (mobile)
+63 966 340 4725 (viber)
Moldova
Consul Victor Gaina
Mobile number (also WhatsApp no.(sad) +37369870870 o mag-email sa[email protected]or[email protected].
Bella Gamotea