Matapos ang pagpapaliwanag ni Kapuso actress Carla Abellana tungkol sa parang grade school daw pag-unfollow follow sa social media lalo na sa mga taong malalapit sa kaniyang puso, pinag-usapan naman ng mga netizen ang pag-like niya sa mga negatibong komento ng mga netizen laban sa kaniyang mister na si Kapuso actor Tom Rodriguez.

Ayon sa ulat ng Fashion Pulis, una na rito ay tungkol sa komento ng isang netizen tungkol umano sa pagtitiwala ng biyenan niya sa kaniya, at sinira daw nito ang tiwalang iyon.

"Nagtiwala sa iyo ang biyenan mo Tom, 2 buwan natiis at iniwan mo ang asawa mo bagong kasal kayo, hindi mo mahal ang wife mo kawawa si Carla nagmahal at nagtiwala sayo Tom, taas ng pride at ego mo buti na lang wala pa anak kawawa naman broken family rin katulad ni Carla ramdam ko ang sakit na walang tibay na pundasyon ang TomCar ngayon lang ako humanga sa artista kayo lang Tom Car," sabi ng isa, na ni-like naman ng mga netizen, kabilang na si Carla.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Screengrab mula sa IG/Carla Abellana via Fashion Pulis

Isa pa sa mga ni-like niya ang komentong "Bat parang di sya affected sa mga pangyayari? Tapos ina-unfollow pa nya mother-in-law nya. Bat siya nagkaganyan? Di na nakatuwa sa mga fans ha."

Screengrab mula sa IG/Carla Abellana via Fashion Pulis

Gayundin ang komento na "Guapo nga, di naman honest."

Screengrab mula sa IG/Carla Abellana via Fashion Pulis

Ngunit ang mas ikinawindang ng mga netizen ay nang i-like niya ang komentong "True ba gay daw siya?"

Screengrab mula sa IG/Carla Abellana via Fashion Pulis

Dahil dito, kaniya-kaniyang sey naman ang mga netizen sa ginagawang ito ni Carla, lalo't hanggang ngayon kasi ay hindi pa malinaw kung may katotohanan ba ang mga isyung nagkakalabuan na sila, kahit kakakasal lamang nila noong Oktubre 2021 matapos ang mahabang panahon ng pagiging mag-jowa.

"She's losing her mind."

"Mukhang siya yung problema no? Kahit di ko alam ang behind the scenes, mukhang nakikita ko na may ugali siya."

"Naaah… that's her normal self. Just remember, you finally see your partner once you get married. The mask falls off."

"If that's her way of coping with pain, let her be."

"Naganyan din ako. Nakakabaliw talaga. Psychological damage siya."

"Yan ang bagong pagwawala, sa social media ang ganap! Pero girl, kalma lang, log off from social media muna! Parang di nakatutulong sa iyong mental health eh! Hindi magandang coping mechanism 'yan, but I'm sure deep down in your gut alam mo 'yan."

"What a very immature way of handling a marital conflict! That means yung long years ng pagsasama nila before their marriage ay ilusyonada siya na ang relationship is premised on the birds and the bees… She's living in a dream. Somebody must wake her up and let her face reality…What she's doing is not the right way to handle her marital discord… Dapat ang naging marital vows niya ay 'for better or for better….in health and in health…for richer or for richer… Hindi siya marunong mag-handle ng crisis."

"I know how this feels. Maya-maya pagsisisihan niya 'to."

"Nasaktan si Ate Gurl. Yaan n'yo na. IG niya 'yan. Nakiki-Mosang lang kayo."

"She won't be like that for no reason. Buti nga na-eexpress niya subtly galit niya."

"She’s obviously hurting, sino bang hindi kung ganyan ang end up ng relationship. At some point, nag lash-out na rin kayo na di pinaburan ng lahat. Pwede ba?"

Samantala, wala pang reaksyon si Tom Rodriguez tungkol dito. Hindi pa rin nilinaw ni Carla kung bakit siya nag-like sa mga komentong ito.