Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Health (DOH) sa partnership ng SM Malls ang kanilang mobile vaccination drive sa SM City Bicutan sa Parañaque City na layong mas ilapit sa mga komunidad ang pagbabakuna.

Tinawag na “Resbakuna Caravan at SM” ang MMDA-initiated mobile vaccination para magbigay ng COVID-19 primary at booster doses.

Nagsimula ang pagbabakuna noong Pebrero 25 hanggang 27 mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa Event Center, Mall Building A.

Sa pangunguna ng programa ni MMDA Officer-In-Charge at General Manager Romando Artes at sinabing ang vaccination team ang siyang mangangasiwa sa pagbibigay ng COVID-19 shots.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“We want to thank the SM Malls for opening the doors of SM City Bicutan for our mobile vaccination drive. This accessible vaccination site can serve more people who need to get vaccinated for primary and booster doses," sabi ni Artes.

Aniya ang vaccination caravan ay magpapatuloy sa ibang SM malls upang hikayatin ang mas maraming tao na kumuha ng kanilang COVID-19 booster shots.

Sa panig ni Department of Health-National Capital Region Regional Director Dr. Gloria J. Balboa, ang nasabing hakbang ay magpapataas sa access ng publiko sa pagbabakuna na kung saan aniya'y “people can shop and at the same time get vaccinated.”

“We appreciate the big support from the private sector to the vaccination efforts of the government,” ani Balboa.

Ayon pa kay Balboa, tanging 30 porsiyento ng kwalipikadong mga indibidwal sa Metro Manila ang nakatanggap ng kanilang booster doses.

“So we reiterate our appeal for all eligible individuals to complete their primary doses; get their booster shots to protect not only themselves and loved ones, but the entire community," diin nito.

Samantala, inihayag naman ni SM Supermalls Senior Vice President Bien Mateo na mananatili sila sa kanilang pangako sa national at local government sa pagkakaloob ng kumbinyente at ligtas na vaccination sites.

Pinapayagan ang walk-ins at ang registration o pagpaparehistro ay isinasagawa sa site. Ang mga nais magpabakuna para sa booster shots ay bibigyang prayoridad.