TABUK, Kalinga -Dalawa pang nagpapanggap na turista ang naharang ng pulisya sa isang checkpoint habang ibinibiyahe ang₱1.2 milyong halaga ng marijuana bricks sa BarangayBulanao Centro ng naturang lungsod, nitong Pebrero 25.

Ang dalawa ay kinilala ni Kalinga PPO Provincial Director Col. Peter Tagtag,sinaLimuel Legaspi Alarde, 21, taga-Brgy. San Vicente, Tuao, Cagayan at Ralf King Gaffud Prado, 18, taga-San Martin De Porres, Paranaque City.

Pinaniniwalaan ng pulisya na kasabwat ang mga ito ng dalawang drug suspect na nakumpiskahan ng ₱13 milyong halaga ng marijuana sa Barangay Dinakan, Lubuagan, Kalinga, nitong madaling araw ng Biyernes.

Binanggit ni Tagtag, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Tabuk City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng pagdadala ng marijuana ng dalawang lalaki mula sa Tinglayan patungong Cagayan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasamsam sa dalawa ang mga backpack na naglalaman ng 10,161 na gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng₱1,213,920.00.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kina Alarde at Prado.