Ipinagmalaki ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na matapos ang 50-taon ay mayroon na ring bago at modernong tren ang Philippine National Railways (PNR).

“Hindi refurbished, hindi donasyon, at hindi galing sa loan o utang - Sa wakas! Matapos ang 50 years, nagkaroon na rin ng bago at modernong tren ang Philippine National Railways (PNR)!” anunsiyo pa ni Tugade, sa kanyang Facebook account.

Photo: Sec. Art Tugade/FB

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

=Ayon kay Tugade, mula sa dating siyam na tren lamang na bukod sa lumang-luma na at napag-iwanan na ng panahon, ngayon ay nasa 18 na ang mga tren ng PNR na operational, na siyang bahagi ng Re-Fleeting Management Strategy nito.

Samantala, nabatid na noong Setyembre 2021 ay dumating sa bansa mula sa South Korea ang mga bagong train sets para sa Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Ang 18 aniya sa 108 rail cars na completely manufactured na, ang on-site na ngayon.

Ipinagmalaki rin ng kalihim na ang MRT-7, na tumagal ng 20 taon mula nang maisumite ang unsolicited proposal bago magsimula ang aktwal na konstruksyon ng proyekto sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ay nalalapit na ring matapos.

Dahil dito, sinabi ni Tugade na asahan na ang mas mabilis na biyahe dahil nasa 35 minuto na lang aabutin sa pagitan ng Quezon City at San Jose Del Monte, Bulacan.

Nabatid na nasa 300,000 pasahero naman ang maisasakay nito sa unang taon at inaasahang aakyat pa sa 850,000, pagdating ng ika-12 taon nito.

Ibinalita rin niya na dumating na rin sa bansa, mula sa Spain at Mexico, ang first batch ng train cars para sa LRT-1 Cavite Extension Project.

“Matapos ang 19 years na delay, umaarangkada na ang proyekto, at nalalapit na rin ang pagtatapos nito. Soon, magiging 25 minuto na lamang, mula sa kasalukuyang isang (1) oras at 10 minuto, ang biyahe mula at patungong Baclaran at Niog, Bacoor,” ani Tugade.

Makakatulong rin aniya ang mga ito para maiangat ang daily ridership ng linya sa 800,000 pasahero, mula 458,000.

Nasa bansa na rin aniya ang unang 8-car trainset para sa PNR Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos) — na bahagi ng massive North-South Commuter Railway (NSCR) Project.

Ang pangalawang trainset naman para sa project ay inaasahang darating sa bansa sa 2nd quarter ngayong taon.

Sa sandali aniyang maging operational ang PNR Clark Phase 1, na kokonekta sa Malolos, Bulacan, at Tutuban, Manila, ay magiging 35 minuto na lamang ang biyahe, mula sa kasalukuyang isang (1) oras at 30 minuto.

Inaasahan din na nasa 300,000 pasahero ang mase-serbisyuhan nito.

“Ramdam na rin ang pagbabago sa MRT-3 dahil tumatakbo na sa linya ang mga newly-overhauled light rail vehicles (LRVs), na bahagi ng massive rehabilitation project ng linya.

Gawing kumportable, maginhawa, mabilis, at ligtas ang biyahe ng mga commuter — ito ‘ho ang layunin ng Department of Transportation (DOTr), katuwang ang PNR, MRT-3, Light Rail Transit Authority (LRTA), at Light Rail Manila Corporation (LRMC),” dagdag pa ng kalihim.

Tiniyak pa niya na asahan na ng publiko na magpapatuloy at mananatiling puspusan ang pagsasakatuparan ng mga proyekto at modernisasyon sa railway sector ng bansa, upang makapaghatid ng pagbabago at progreso para sa mga Pinoy.

Mary Ann Santiago