Inanunsyo ni Presidential aspirant at Senador Panfilo "Ping" Lacson na hindi sila dadalo ni vice presidential candidate Vicente "Tito" Sotto III sa SMNI debates.
Sa Twitter post ni Lacson nitong Lunes, Pebrero 14, hayagang umanong inendorso ng chairman ng SMNI na si Pastor Apollo Quiboloy kung sino ang nais nitong kandidato sa pagka-presidente at bise presidente.
“With all due respect and giving regard to common sense, SP TIto Sotto and I are skipping the SMNI debates. The network’s chairman, Pastor Quiboloy has already openly endorsed his preferred presidential and vice-presidential candidates,” ani Lacson.
Matatandaang ipinalangin ni Quiboloy sina Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio para sa kanilang send-off ceremony nito ring buwan. Dito na rin niya inihayag ang kanyang suporta sa tandem.
“Marami ang nagtatanong kung ano ang susuportahan ng Kingdom of Jesus Christ. Sabi ko, maghintay tayo sa tamang panahon. At ngayon na ang panahon para lahat sa inyo ang aning suporta. 100 percent ako ay sumusuporta sa UniTeam,” ani Quiboloy.Samantala, tinanggihan din ni Presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao ang presidential debate ng SMNI media network.