Nanguna si presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at ang ka-tandem nitong si vice presidential candidate Sara Duterte Carpio sa latest survey ng Pulse Asia para sa May 2022 elections.
Base sa Pulso ng Bayan Pre-Electoral national survey na isinagawa noong Enero 19 hanggang Enero 24, 2022, si Marcos Jr. ang "first choice" sa pagka-pangulo kung saan nakakuha siya ng 60 porsyento mula sa mga respondents,"if the May 2022 elections were held today."
Pumangalawa naman si Vice President Leni Robredo na may 16 na porsyento.
Mayroon walong porsyento sina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno habang apat na porsyento naman kay Senador Ping Lacson.
Samantala, nanguna rin sa naturang survey ang running mate ni Marcos Jr. na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nakakuha ito ng 50 porsyento mula sa mga respondents.
Sinundan ito ni Senate President Tito Sotto na 29 na porsyento, pangatlo naman si Senador Kiko Pangilinan na 11 porsyento, habang limang porsyento naman si Doc Willie Ong, at isang porsyento kay dating Manila City Mayor Lito Atienza.
Ang nationwide survey ay mayroong 2,400 respondents na edad 18 pataas, na may ± 2% error margin sa 95% confidence level.Samantala, si Broadcaster “Idol” Raffy Tulfo ang nanguna sa parehong survey na isinagawa ng Pulse Asia para sa senatorial aspirants sa May 2022 elections.