Hindi pumayag ang Terrafirma Dyip na matalo sila ng Blackwater Bossing sa pagpapatuloy ng PBA Governors' Cup sa Smart-Araneta Coliseum nitong Sabado ng gabi.

Nagawang makahabol ng Dyip sa huling yugto ng kanilang laban at tinabunan ang 12 puntos na kalamangan ng Bossing kaya naibulsa nila ang panalo, 109-103.

Nagtulungan sina Antonio Hester na kumubra ng 41 puntos, at Joshua Munzon, nakaipon ng 13 puntos, upang makuha ang laro na naglagay sa kanila sa 2-4, talo at panalo.

Nabaon naman ang Bossing sa ikaanim na sunod na pagkatalo at walang panalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Binalewala rin ng Dyip ang import ng Bossing na si Shawn Glover kahit kumubra ito ng 35 puntos at 17 rebounds, at napurnada rin ang debut game ni Rey Suerte kung saan nagpakitang-gilas nang makaipon ng16 puntos.