Nanawagan si dating Senador Antonio Trillanes IV sa mga tagasuporta ng oposisyon na tumutok sa pagpopromotesa tiket ni Vice President Leni Robredo at huwag ma-distract sa mga disqualification cases laban kay Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
“To my fellow Kakampinks, the DQ (disqualification) case of BBM is out of our hands. Kung ma-DQ sya, laban. Kung di naman, laban pa rin," aniya sa isang Twitter post nitong Sabado ng gabi, Enero 29.
"Now, instead of being distracted by it, may I suggest that we refocus on pushing for #TeamLeniKiko," dagdag pa niya.
"Specifically, by talking (thru face to face or calls/texts) to the people close to us, like our relatives, friends, employees, etc. You’d be surprised by how many non-political individuals you’d be able to influence that way. Mabilis sila maconvert," ayon pa sa dating senador.
Sinabi rin ni Trillanes na iwasang makipag-usap sa mga "highly politicized persons" at tumuon muna sa pag-convert sa mga non-political na tao.
"As to the highly politicized persons, skip nyo muna sila para mas marami pa kayo maconvert. Saka na lang sila balikan," aniya.
Ang disqualification cases laban kay Marcos ay nakabinbin sa First Division ng Commission on Elections (Comelec) na pinamumunuan ni Commissioner Rowena Guanzon.
Matatandaang bumoto si Guanzon na i-disqualify si Marcos Jr. para May 2022 elections.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/27/guanzon-bumotong-pabor-sa-disqualification-ni-marcos-jr-pagkaantala-ng-desisyon-may-nakikialam/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/27/guanzon-bumotong-pabor-sa-disqualification-ni-marcos-jr-pagkaantala-ng-desisyon-may-nakikialam/