Makatutulong umano ang pag-inom ng virgin coconut oil (VCO) upang madaling makarekober ang mga pasyenteng tinamaan ng mild COVID-19.
Ito ang lumabas sa isang pag-aaral na isinagawa ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).
Gayunman, binigyang-diin ng ahensya na hindi kapalit ng VCO ang mga gamot laban sa COVID-19.
Sa isang television interview nitong Biyernes ng gabi, sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Cristina Guevara, walang eksaktong sukatan, kabilang ang bilang ng mga dahon at dami ng tubig sa paghahanda ng medicinal broth.
Nangangamba rinang opisyal dahil maraming tanim na maaaring kahalintulad ng lagundi variety.
"Maybe you have the right lagundi, pero environment - kung saan siya tumubo - at ýung klima at iba pang mga natural factors po nade-determine kung ano ýung kalidad ng lagundi na makukuha niyo," ayon naman kay DOST-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya.
Sa isang pag-aaral, binanggit ngDOST-FNRI, mabilis ang pagrekober ng sinumang pasyenteng may mild COVID-19 pagkatapos uminom ng VCO.