Magkakaroon na ng bagong pagkakaabalahan si dating PBA at Gilas standout Jean Marc Pingris matapos na kunin bilang commissioner ng bagong buong regional basketball league sa bansa.

Itinalaga ang 9-time PBA champion at tinaguriang Pinoy Sakuragi para maging commissioner ng Pilipinas Super League na nakatakdang magbukas sa darating na Marso.

Nagretiro sa aktibong paglalaro si Pingris noong isang taon na ginawa namang pormal ng prangkisa ng Purefoods nang iretiro nito ang kanyang jersey noong nakaraang Pasko.

Matatandaang napabalitang babalik muli sa aktibong paglalaro si Pingris para sa Nueva Ecija Rice Vanguards sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational bago matapos ang 2021 na hindi naman natuloy.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"I'm very thankful for this opportunity at sa tiwalang binigay sa kin ng PSL.Asahan nila na gagawin namin ang lahat para sa liga na ‘to at para mapasaya ang mga fans at mga players.”

Inaasahang makatutulongni Pingris sa pagpapatakbo ng liga si dating Philippine Basketball League (PBL) commissioner Chino Trinidad na magsisilbing league consultant.

Marivic Awitan