Sabi nga sa isang kasabihan, gagawin ng isang tao ang lahat ng pag-addjust para sa mga mahal nila sa buhay, basta't ikaliligaya nila at hindi sila mahihirapan.

Kaya naman, kinagigiliwan ngayon ang ibinahaging litrato ng netizen na si Don Tobias, 40 anyos, isang lighting and signage contractor mula sa Bocaue, Bulacan, sa Facebook group na 'Home Buddies,' na itinatampok ang mga kakaibang house features, appliances, at iba pang mga kasangkapan sa bahay.

Makikita sa litrato ni Don na nakaluhod ang kaniyang bayaw na 6 footer na kapatid ng kaniyang misis habang naghuhugas ng mga pinagkainan sa harap ng isang customized lababo.

"Gaano ka customized ang kitchen n'yo? Ito customized kay misis," saad sa caption.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ngunit mababa nga ba ang lababo o sadyang matangkad lang si mister?

Ayon mismo kay Don batay sa panayam ng Balita Online, customized ang lababo pati na rin ang kusina nila para sa kaniyang pinakamamahal na misis na may tangkad na 4'11" na si Appol Tobias. Siya naman ay 5'4" at ang bayaw nga ay 6 footer.

"My wife is only 4’11”. If I make it a standard height, she will always have a hard time using it, so I made it 5cm shorter than the usual 80cm height. Kaso my bayaw is almost 6ft tall so pag may malaking tao dito sa kitchen, it meant looking very gigantic," paliwanag ni Don.

May isa pa silang kusina na sakto na sa kanilang mga matatangkad at hindi na kailangan pang lumuhod.

"We have our separate kitchen since the main kitchen is hers sa sukat n'ya nasunod lahat ng gagalawan n'ya roon. Hehe. She can’t use mine kasi nakatingkayad s'ya magluto."

May mensahe naman si Don para sa kaniyang pinakamamahal na misis na si Appol:

"Mommy super love kita, that I will go to great lengths to please you which obviously I did in our home. I love you so much!"

How sweet 'di ba?