Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III nitong Miyerkules na tumanggap na siya ng kanyang booster shot laban sa COVID-19.
Sinabi ni Duque na pinili niya ang Sinovac vaccine para sa kanyang booster dose, may tatlong linggo na ang nakararaan.
“Yes, I had mine three weeks ago,” ani Duque, sa Kapihan sa Manila Bay forum.
Tiniyak drin naman niya na ang lahat ng bakunang available sa Pilipinas ay mainam gamitin para sa booster dose.
“Sinovac din ako, lahat okay 'yan, lahat ng bakuna natin okay," aniya pa.
Kaugnay nito, hinikayat ni Duque ang publiko na magpaturok na rin ng kanilang booster dose bilang karagdagang proteksyon laban sa virus, kabilang na ang mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19.
Mary Ann Santiago