Nakikiusap na si Philippine General Hospital (PGH) Spokesperson, Dr. Jonas del Rosario, sa publiko na huwag nang lumabas ng bahay sa loob ng dalawang linggo upang mapagaan ang paglaganap ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

“I think ang dapat talaga ay tighter implementation. Kahit Alert Level 3 at nakita na ng mga tao na sumipa na yung mga bilang because of we think might be the Omicron variant, marami pa rin po akong nakikitang lumalabas at siksikan sa mga public transport," pahayag nito sa isang television interview.

Pinayuhan din nito ang publiko na huwag na munang ituloy ang non-essential travel at manatili na lamang muna sa bahay dahil naitala nitong Sabado, Enero 8, ang pinakamalaking bilang ng kaso ng COVID-19 na umabot sa 26,458.

"I’m not sure if it’s the level or the implementation of the alert level might be really the solution. Ang praktikal namin na payo, kung pwede po kahit mga dalawang linggo 'wag na po muna tayong lumabas at 'yung lalabas na lang ay 'yung essential workers.It’s more of a self-imposed, self-quarantine for every household na lang po. I’m sure alam nyo rin may mga kaibigan kayo, kapamilya na hawa-hawa naman sila because they went to the same gathering, na-expose sila so everybody should really be isolating themselves muna, follow the 10-day isolation para hindi ho lumaganap," pagbibigay-diin pa ni Del Rosario.

National

LTO magbibigay ng amnesty, good news sa riders—Sen. JV Ejercito

Gabriela Baron