Upang maiwasan ang face-to-face na tiyak na magiging sanhi ng hawaan ng COVID-19 , inilunsad ng Pamahalaang Lokal ng Caloocan City ang online payment para sa mga business permit na nakabase sa lungsod.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, bisitahin lamang ng mga tax payers ang online nacaloocancity.gov.phat hanapin kung papaano ang pagbabayad sa Business Permit and Licensing Office (BPLO).

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Hanggang Enero 20, 2022, maaaring magbayadng Business Tax at iba pang Regulatory Fees sa South Area: Back-door area, New Caloocan City Hall 8thStreet, Barangay 103 ng lungsod.

Para naman sa North Caloocan, maaaring hanapin ang G/F North Caloocan City Hall, Zapote Street, Caloocan City pati na rin sa mga renewal ng business permit.

Sa mga personal na magsasadya sa city hall, limitado lamang ang papasukin at obligadong sundin ang lahat ng minimum health protocols, saan dapat dalhin ang vaccination card.

Mahigpit kasing ipatutupad ang "no vaccine card" no entry" sa city hall.

Sa ngayon ay wala pang hakbang ang city government kung magkakaroon ng extension sa bayarin ng buwis, lalo pa’t sumisirit ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.

Orly L. Barcala