Muling ipinapaalala ng Metropolitan  Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na umiiral pa rin ang Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 5:00 ng hapon  hanggang 8:00 ng gabi simula Lunes hanggang Biyernes.

Sa ilalim nito, bawal ang mga sasakyan sa pagbiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng plate number ng sasakyan sa mga nabanggit na oras.

Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 (Martes), 5 at 6 (Miyerkules), 7 at 8 (Huwebes), at 9 at 0  (Biyernes).

Exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, trak ng basura, trak ng petrolyo, at sasakyang may dalang mga perishable at essential goods. 

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno na nangailangan ng atensyong medikal, pumalo sa 900<b>—Red Cross</b>

Bella Gamotea