Simula Enero 2, suspendido muna ang pag-aapruba ng Baguio City government sa lahat ng leisure travel request papasok ng lungsod dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus at banta ng Omicron variant.

Binanggit ng Baguio Tourism Office, inihinto muna nila ang pagtanggap ng mga kahalintulad na kahilingang idinadaan sa Visitor Information and Travel Assistance (VISITA) platform hangga't wala pang abiso ang lungsod.

Gayunman, ipinaliwanag ng lungsod na ang lahat ng mayroongpre-approved travels na nabigyan na ng QR-coded tourist passes ay pinapayagang pumasok sa lugar at dadaan ang mga ito sa mandatory triage.

“Such allowed entry may change in the future but with prior announcement, so keep posted.All pending travel requests are considered rejected and not allowed entry,” pagpapaliwanag ng city government.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Bukod dito, papayagan ding pumasok sa siyudad ang mga authorizedpersons outside of residence (APORs) at may essential o opisyal na lakad basta magrehistro lamang sahdf.baguio.gov.phat makapagharap ng documentary requirements bago dumaan satriage health screening.

Nauna nang naglabas ng kautusan ang gobyerno na ipairal ang Alert Level 3 status sa Metro Manila, simula ngayong Lunes (Enero 3) hanggang Enero 15 ng taon matapos maitala ang biglang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Nitong Linggo, Enero 2, naitala ng Department of Health ang 4,600 bagong kaso ng sakit, kaya umabot na sa 21,418 ang kabuuang kaso ng nahawaan sa Pilipinas.