Agad sumuko sa awtoridad ang isang Safety and Emergency Medical Service Officer na suspek sa pamamariI na ikinamatay ng tatlong katao at ikinasugat ng apat na iba pa sa Makati City sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon o Enero 1.

PHOTO: SPD PIO

Sa report na isinumite ni Southern Police District chief Brig. General Jimili Macaraeg kay National Capital Region chief Maj. Gen. Vicente Danao Jr. na ang suspek na kinilalang si Roderick Perez y Talledo, 41, Safety and Medical Service Officer ng Red and Blue Medical Services Company, ng Block 17 L21 Magnolia Street, Barangay Rizal, Makati City ay tumakas sa pinangyarihan ng insidente subalit agad din sumuko sa Comembo Sub Station ng Makati City Police Station.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dead on the spot ang mga biktima na sina Raymund Libaton y Salamagos, 52, may asawa; at Petronio Del Rosario y Pundano, 50; binawian ng buhay nang dalhin sa Ospital ng Makati si Francis Lloyd Libaton y Santiago, 21, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Nilapatan ng lunas sa naturang pagamutan ang iba pang biktima na sina Maria Elago y Aldaya, 57; Ian Jayson Biandio y Flores, alyas Kate, 26, ng Tomas St., Pasay City; Janet Libaton y Santiago, 52, may asawa; at Lester Magcanas y Daquis, 28, ng Brgy. Rizal, Makati City.

Ayon sa report, naganap ang pamamaril ng suspek sa harapan ng Block 48 Lot 13, Magnolia St., Brgy., Rizal, Makati City, dakong 2:30 ng madaling araw ng Sabado.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagdiriwang ng Bagong Taon ang mga biktima at nag-iinuman sa Magnolia St., nang dumaan ang suspek sakay ng motorcycle scooter at angkas ang kanyang 12-anyos na babaeng anak na nauwi sa konting sagutan sa pagitan ng grupo dahil sa na-okupahan na ang bahaging kalsada.

Nang lumamig ang ulo ng suspek at grupo ay nagpasyang umuwi sa bahay si Perez at anak kung saan pagbalik ay armado na ito ng caliber .45 handgun at pinagbabaril ang mga biktima na ikinamatay ng tatlo sa mga biktima.

Sa ikinasang pagsisiyasat ni SPD Forensic Unit Maj. Gerald Vilar na narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ilang  basyo, fired bullet metallic jacket at lead core na mula sa naturang kalibre ng baril.

Samantala, ang baril na ginamit ng suspek ay hindi isinuko at nananatiling hindi pa rin narerekober.

Sa pahayag ng suspek, sa kalituhan umano nito ay hindi na alam kung saan nito itinapon ang baril.

Tatlong bilang ng kasong Murder at Multiple Attempted Murder ang isasampa ng awtoridad laban sa suspek na si Perez.

“We condole and extend our deepest sympathy to the bereaved families of  this unexpected incident as well as we wish  for the speedy recovery of those who were injured.  We ensure to extend all necessary assistance in the investigation of this case to ease the grief of the families of the deceased and other victims,” sabi ni MGen Danao.

Bella Gamotea