Naantig ang mga netizen kay vice presidential candidate Doctor Willie Ong, matapos niyang mag-post ng sweet message at appreciation sa kaniyang maybahay na si Doc Liza Ong.

Makikita sa kaniyang Facebook post nitong Disyembre 29 na nasa loob sila ng eroplano mula Cebu patungong Maynila. Himbing na himbing si Doc Liza na tila ba pagod na pagod sa kanilang ginawang relief operation sa Cebu, na isa sa mga lalawigang nahambalos ng bagyong Odette.

Screengrab mula sa FB/Doc Willie Ong

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May be an image of 2 people and people sitting
Doc Willie Ong at Doc Liza (Screengrab mula sa FB/Doc Willie Ong)

May be an image of 1 person
Doc Willie Ong at Doc Liza (Screengrab mula sa FB/Doc Willie Ong)

"Kawawa naman si Doc Liza. (Cebu to Manila flight). Napagod at napuyat kagabi sa kaka-alaga sa akin. Walang tulog. Taga-gawa ng Oresol for diarrhea, taga-bili ng gamot, taga-bili ng saging at noodles, taga-ayos ng bagahe, taga-rebook ng flight, taga-alaga sa mga anak," ayon sa kaniyang caption.

Kaya naman may payo si Doc Willie sa mga taong naghahanap ng kanilang mapapangasawa.

"At least mas okay na tayo ngayon. Thank God and thank Doc Liza. Kaya payo ko sa mga kabataan, siguraduhin mabait ang iyong partner, para humaba ang buhay!"

Sa isa pang Facebook post, makikitang nakauwi na sila sa bahay at maayos naman ang kondisyon ni Doc Liza. Ayon kay Doc Willie, siguro daw ay may ginawa siyang kabutihan noong bata pa siya kaya nabiyayaan siya ng mabuting misis.

"Nakaligo na si Doc Liza after 4 days dahil walang kuryente at hot shower sa Cebu. Tapos nagluto ng instant noodles with egg.

Para sa aking LBM diet. Mainit na sabaw sa tiyan. Siguro may ginawa akong kabutihan noong bata ako para ma deserve si Doc Liza. God bless."

This image has an empty alt attribute; its file name is image-470.png
Screengrab mula sa FB/Doc Willie Ong

May be an image of 1 person, food and indoor
Doc Liza (Larawan mula sa FB/Doc Willie Ong)

May be an image of 1 person, food and indoor
Doc Willie Ong (Larawan mula sa FB/Doc Willie Ong)

Si Ong ay isang cardiologist at social media influencer na nakilala dahil sa pagbibigay niya ng mga payong medika. Kasal sila ni Anna Liza Ramoso, na isa namang physician. Nagkakilala umano sila noong 1992 habang si Ong ay isang intern sa San Juan De Dios Hospital, at naging sila. Sila ay may dalawang anak na babae.