Binigyan ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang coronavirus disease (COVID-19) treatment pill na ginawa ng pharmaceutical company MSD nas mas kilala bilang Merck.

“Ito po yung Molnupiravir na ang kaniyang brand name ay MOLNARZ. Ito po ay licensee ng MSD," ani FDA Director-General Rolando Enrique Domingo nitong Huwebes, Disyembre 23.

“So far, naka-comply po [sila] doon sa ating mga requirements ng safety, efficacy and quality,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Domingo na ibibigay lamang ang pill na ito sa mga indibidwal na mayroong mild o moderate COVID-19.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

“Ito po ay pinapayagan nating ibigay sa mga pasyente with mild to moderate COVID disease so hindi po ito puwede sa mga severe o iyong mga nangangailangan na ng oxygen," aniya.

“Ito ay puwede lamang ibigay sa mga adults 18 years old and above na positive po for COVID-19 and mayroon pong risk factors for developing severe illness katulad po ng mga senior citizen o iyong mga may comorbidities– who are at risk of going into severe COVID,” dagdag pa niya.

Ibibigay ang Molnupiravir sa mga pasyente dalawang beses sa isang araw ayon sa FDA Chief.

“Ito pong Molnupiravir ay binibigay two times a day — 800 milligrams two times a day for five days but it should be given as soon as possible after diagnosis at dapat po within the first five days after the onset of symptoms,” aniya.

“Otherwise, hindi na po siya masyadong useful at hindi rin po siya puwede sa mga patients with severe illness dahil hindi rin po siya nakakatulong," dagdag pa niya.

Hindi rin inirerekomenda ang naturang gamot sa mga buntis.

“Hindi po siya puwedeng ibigay sa mga buntis o sa mga maaaring magbuntis dahil hindi gumagamit ng contraception at sa mga lactating women dahil kulang pa po ang datos natin ano para masabi na safe siya para po sa grupo ng pasyenteng ito," anang FDA chief.

Analou de Vera