Naglunsad ng hakbang ang Bureau of Fire Protection (BFP) kung saan ang mga kamag-anak ay maaaring mag-ulat at makakuha ng update sa search and rescue mission ng kanilang mga kapamilyang nasalanta ng bagyong “Odette."

Ani Interior Secretary Eduardo Ano, ang Victims Information Center ay ilalagay sa lahat ng fire stations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

“All our kababayans would have to do is to go the fire stations and provide the necessary information for their missing relatives. These centers will also serve as ares where they could get updates,”sabi ni Ano sa naganap na Talk to the People with President Duterte nitong Martes, Dis.21.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) hindi bababa sa 56 katao ang naiulat na nawawala.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Ayon sa DILG, mahigit 14,000 pulis at mahigit 10,000 tauhan ng BFP ang naka-deploy sa mga lugar na apektado ng bagyo para tumulong sa search and rescue, road clearing at iba pang pagresponde para tulungan ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Batay sa datos ng PNP, hindi bababa sa 375 katao ang namatay dahil sa pananalasa ni Odette ngunit itinigil na ng pulisya ang pagbibigay ng mga detalye simula noong tanghali nitong Martes bilang pagsunod sa direktiba ng nasa “itaas.”

Gayunman, itinanggi ng Office of Civil Defense na naglabas ito ng gag order sa PNP.

Aaron Recuenco