Nailigtas ng mga awtoridad ang isang lalaking nag-ala-Spiderman nag akyatin nito ang isang billboard sa Quezon City nitong Disyembre 12.

Sa ulat ng pulisya, nagawang maibaba ng mga tauhan ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) ang hindi pa nakikilalang lalaki mula sa inakyat na 60 talampakang billbold sa Mindanao Avenue nitong Linggo ng hapon.

Naiulat na bigla na lamang umakyat ang lalaki na taga-Barangay Tandang Sora sa naturang lugar.

Naiulat na nagtagal ang lalaki sa ibabaw ng billboard kaya naalarma ang mga residente at motorista.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Kaagad namang dumating ang mga rescuers at tuluyang naibaba ang lalai dakong 6:00 ng gabi.

Kaagad na dinala ang lalaki sa Brgy. Sauyo Hall at nang tanungin ng mga awtoridad, sinabi nito na hindi niya rin alam ang kanyang ginawa.

Masusi pa ring iniimbestigahan ang insidente.

Aaron Dioquino