Tapos na nga ang journey bilang housemate ng teen heartthrob na si Kyle Echarri matapos siyang mapalabas sa Bahay ni Kuya, sa 4th Eviction Night ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, sa Saturday episode nitong Nobyembre 27.

Si Kyle ang nakakuha ng pinakamababang score sa pinagsamang evict at save votes (22.25%) sa dalawa pa niyang nominees na sina Alexa Ilacad (27.98%) at Anji Salvacion (30.03%).

Screengrab mula sa Twitter/Pinoy Big Brother

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matatandaang isa sa mga huling pumasok sa Big Brother House si Kyle dahil na rin kailangan niyang tapusin ang quarantine sa hotel, bago siya tuluyang pumasok sa bahay.

Habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, bagama't ibinahagi naman niya ang kaniyang mga talento sa kanilang weekly tasks, napansin naman ng ibang mga adult housemates na hindi tumutulong sa gawaing-bahay si Kyle, kaya kahit ang pagsasaing ng kanin ay itinuro nila sa kaniya.

Image
Kyle Echarri (Screengrab mula sa Twitter/Pinoy Big Brother)

Kyle Echarri (Screengrab mula sa Twitter/Pinoy Big Brother)

Image
Kyle Echarri (Screengrab mula sa Twitter/Pinoy Big Brother)

Image
Kyle Echarri (Screengrab mula sa Twitter/Pinoy Big Brother)

Samantala, isa sa mga naging ka-close ni Kyle sa loob ng Bahay ni Kuya ay ang 3rd evictee naman na si Chie Filomeno, na kahit sa sandaling nagkasama sila sa bahay ay humakot na rin ng mga tagahanga. Kaya ang tanong, paano na ang tambalang KyCine o Kyle Echarri-Francine Diaz?

Sa paglabas ni Kyle ay nabuo na ang 'Big Four' ng mga evictee, kasama nina John Adajar, Albie Casiño, at Chienna Filomeno.