Itinanggi ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) na hindi nila susuportahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-senador bunsod umano ng desisyon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise-presidente, katambal ng dating senador na si Ferdinand "Bongbong" Marcos, na ayaw ng kanyang ama.

Itinanggi ng Lakas-CMD na si Duterte-Carpio ang chairperson, ang ulat na sinisisi umano ng Pangulo ang partido na nasa likod ng desisyon ng kanyang anak na tumakbo na lang sa pagka-bise presidente sa halip na pangulo, gayong mas mataas ang kanyang survey ratings kaysa kay Marcos.

Pinabulaanan din ng Lakas-CMD na nagpaplano ito na patalsikin sa puwesto si Speaker Lord Allan Velasco at iba pang mga kongresista na kasapi ng ruling PDP-Laban.

“We take this opportunity to reiterate our strong and unequivocal support to President Duterte and his bid for the Senate in the 2022 elections. We will continue to work closely with Malacañang to push for the President’s legislative agenda in the remaining months of the 18th Congress,” ayon sa pahayag ng Lakas-CMD kamakailan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bert de Guzman