Bunsod ng pagdagsa ng COVID-19 vaccines, ikinokonsidera ng gobyerno ang pagtuturok ng booster shots sa iba pang priority groups.

Ayon kay Assistant Secretary Wilben Mayor, head ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 strategic communications on current operations, ito rin ay dahil sa paglapag ng 301,860 dose ng Pfizer vaccine na donasyon ng United States sa pamamagitan ng COVAX facility.

“Ang priority of course ‘yong frontline workers or healthcare workers and, at the same time, seniors. So far iyon muna ang pinag-uusapan doon. But with the arrival ng maraming vaccines dito sa ating bansa, definitely baka maabot na rin ang category ng iba nating mga,” pahayag ni Mayor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Una nang nilagdaan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III noong nakaraang buwan ang rekomendasyon ng Health and Technology Assessment Council (HTAC) na turukan ang booster doses sa healthcare workers (A1) at senior citizens (A2) bago pa matapos ang 2021.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Dagdag pa ng DOH, inaantay pa nila ang assessment ng Food and Drug Administration (FDA) sa amendment ng emergency use authorization (EUA).

“Iyon na lang naman ang hinihintay ng DOH saka ng vaccine cluster. Hindi naman tayo aabot next year. Nakaka-assure tayo na within this year, ” dagdag pa ni Mayor.

Beth Camia