Itinanggi ng kampo ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo nitong Huwebes, Nobyembre 4, ang mga ulat tungkol sa pakikipag-alyansa kay Senador Manny Pacquiao, nanindigan ang kampo na nakatuon sila sa kanilang sariling kampanya.

“The only tandem we have been focused on since Oct. 8 has been the Robredo-Pangilinan tandem. We have always assumed that Senator Pacquiao has been similarly focused on his own candidacy. We wish him all the best,” ani lawyer Barry Gutierrez, spokesman ni Robredo.

Si Senador Kiko Pangilinan, presidente ng Liberal Party, ang running mate ni Robredo sa 2022 polls.

Inihayag ito ni Gutierrez matapos tanggihan ni Pacquiao ang panawagan na bawiin umano ang kanyang kandidatura at maging running mate na lang umano ni Robredo. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Pacquiao na pinal na ang pagtakbo niya bilang presidente dahil naniniwala siya umano na marami siyang magagawa sa bansa.