Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang lakas at tibay ng mga kababaihang Pilipino, bilang bahagi ng kaniyang pakikiisa sa selebrasyon ng International Women’s Day.
Sa ibinahaging pahayag ni VP Sara nitong Linggo, Marso 8, nanindigan siyang ang lakas ng mga Pinay ay ang matatag na sandigan ng bansang Pilipinas.
“I stand in solidarity with every Filipino woman this National Women’s Month,” panimula ni VP Sara.
Aniya, “Nitong nakaraang taon, muli nating napatunayan ang lalim ng ating lakas. Women do not just survive crises—we rebuild lives and communities.”
“Tayo ang matatag na sandigan ng ating bansa, mula sa mga inang pinagkakasya ang bawat piso, sa mga magsasakang bumabangon matapos ang baha, hanggang sa mga kababaihan nating nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo,” dagdag pa niya.
Giit ni VP Sara, panahon na raw upang magbigay ng tunay na sistemang susuporta para sa mga kababaihan sa bansa.
“But it is time to move beyond just praising our resilience,” ani VP Sara.
“Panahon na upang maglatag tayo ng mga sistemang tunay na susuporta sa ating lakas. We need real protection for the informal sector, climate-resilient support for our farmers, and genuine access to financing for women entrepreneurs,” dagdag pa niya.
Paglilinaw ng Pangalawang Pangulo, ang pagtulong at pagsuporta sa mga kababaihan ay may direktang epekto sa kinabukasan ng bayan.
“Ang pagsuporta sa kababaihan ay hindi lamang pagpapakita ng kabutihang-loob. It is a strategy for inclusive growth. Magkaisa tayong itaguyod ang isang bukas kung saan ang bawat Pilipina ay may dangal na mamuno, at ang ating mga anak na babae ay nagmamana ng mga oportunidad, hindi lamang mga tungkulin,” anang Pangalawang Pangulo.
Aniya, “Sa pagbibigay-lakas sa bawat Pilipina, tayo ay direktang namumuhunan sa kinabukasan ng ating bansa.”
“Mabuhay ang kababaihang Pilipino! Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at bawat Pamilyang Pilipino,” pagtatapos niya.
Nauna nang nagpahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng kaniyang pakikiisa sa nasabing selebrasyon para sa mga kababaihan.
“On International Women’s Day, I want to recognize the Filipino woman. She is a mother, a worker, a leader, and often, she is all of these at the same time. The progress of our nation will always carry the imprint of the Filipina, and she deserves a government that works as hard as she does,” ani PBBM.
MAKI-BALITA: 'A mother, a worker, a leader!' PBBM, kinilala gampanin ng Pinay ngayong International Women's Day-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA