April 13, 2026

Home BALITA National

LPA, minomonitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility; posible bang maging bagyo?

LPA, minomonitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility; posible bang maging bagyo?
Photo courtesy: DOST-PAGASA (FB)

Naglabas ng update ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hinggil sa isang Low Pressure Area (LPA) na kasalukuyang minomonitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa pinakahuling ulat ng ahensiya, 8:00 ng umaga ngayong Linggo, Marso 8, 2026, namataan ang nasabing LPA sa labas ng PAR.

Ayon sa PAGASA, mababa pa ang posibilidad na ito ay maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Sa kabila nito, patuloy na binabantayan ng mga meteorologist ang galaw ng sama ng panahon upang matukoy kung magkakaroon ito ng pagbabago sa lakas o direksyon.

"As of 8:00 AM today, 08 March 2026, a Low Pressure Area (LPA) is being monitored OUTSIDE the Philippine Area of Responsibility and has a LOW chance of developing into a Tropical Depression within the next 24 hours," anila.

National

PNPA hazing victims, binuhusan ng asido sa likod hanggang sa ari—SILG Remulla

Pinapayuhan naman ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at update mula sa DOST-PAGASA upang manatiling handa sakaling magkaroon ng pagbabago sa lagay ng panahon.