Kasalukuyang number four trending for music sa Youtube ang music video ng kantang “Bazinga” ng SB19.

Nitong Biyernes, Oktubre 29 inilabas ng Pinoy pop (P-pop) band na SB19 ang official MV ng kantang “Bazinga,” isa sa anim na kantang kasama sa EP ng banda nitong Hulyo.

Tumabo na agad ang MV ng halos 700,000 views sa loob lang ng dalawang araw.

Inulan naman ng positibong komento ng A’tin ang comment section ng MV sa Youtube. Napansin ng fans ang tila pag-upgrade ng produksiyon ng ShowBT Philippines at ng SB19 sa kanilang MV.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ang kantang Bazinga ay anthem ng grupo sa mga nagduda sa kanilang kakayahan bilang isang grupo.

Samantala, ang SB19 ang tanging Pinoy act na naminado sa MTV Europe Music Awards.

Basahin:

SB19, tanging Pinoy act na nominado sa MTV Europe Music Awards – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid