Inamin na ni Heaven Peralejo na single na siya at hiwalay na sila ni Kiko Estrada.

Naganap ang pag-amin sa kaniyang kasalukuyang relationship status sa game na 'Drink or Spill' kasama ang kaniyang mga kaibigan, sa kaniyang latest vlog na inupload sa kaniyang YouTube channel noong nitong Lunes, Oktubre 25.

"Oh my God… Okay! I'm single. But not ready to mingle," diretsahang sagot niya.

Hindi umano niya kailangan ng relasyon ngayon, maliban sa kaniyang mga kaibigan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"I don't need any relationship. I just need my friends and I just need me. I'm really happy right now. Super happy. As in walang bigat sa puso ko."

Matatandaang nitong Agosto ay naging bukas na sa publiko ang relasyon nina Kiko at Heaven, matapos ang ilang buwang espekulasyon na may namumuo nang ugnayan sa pagitan nilang dalawa. Marami ang bumatikos kay Heaven dahil siya ang itinuturong 'third party' sa hiwalayang Kiko at Devon Seron noong Marso.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/14/heaven-peralejo-at-kiko-estrada-kumpirmadong-mag-jowa-na-matapos-ang-pagde-deny/">https://balita.net.ph/2021/08/14/heaven-peralejo-at-kiko-estrada-kumpirmadong-mag-jowa-na-matapos-ang-pagde-deny/

Naging kampante na rin sila sa pagpapadala ng mga sweet messages nila sa isa't isa sa social media simula nang umamin sila sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa isang tell-all interview kay Ogie Diaz noong Agosto, itinanggi ni Kiko na si Heaven ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Devon.

Ngunit muling nalagay sa kontrobersiya ang dalawa matapos ang pagdiriwang nila ng ikatlong monthsary. Napag-alaman ng mga Maritess na inunfollow ni Kiko si Heaven sa Instagram at binura ang mga posts at larawan na magkasama sila, bagama't hindi naman ito ginawa kaagad ni Heaven kay Kiko.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/02/kiko-estrada-inunfollow-ang-gf-na-si-heaven-peralejo-sa-ig-nagkakalabuan-na-nga-ba/">https://balita.net.ph/2021/09/02/kiko-estrada-inunfollow-ang-gf-na-si-heaven-peralejo-sa-ig-nagkakalabuan-na-nga-ba/

Hanggang sa kumalat na nga ang mga espekulasyong hiwalay na nga ang dalawa, bagama't tikom ang bibig nilang pareho tungkol sa isyu.

Sa naging panayam naman ni Miguel Dumaual ng ABS-CBN News kay Heaven nitong Setyembre, tumanggi si Heaven na magbigay ng anumang detalye o kumpirmasyon hinggil sa estado ng kanilang relasyon ni Kiko, subalit makahulugan naman ang mga sagot niya sa mg tanong ng showbiz reporter. Aniya, prayoridad muna niya ang 'self-love' matapos umano ang kaniyang mga napagdaanan sa nakalipas na buwan, na inihalintulad niya sa 'roller coaster'.

“Right now, I’m in the phase of loving myself. No joke," she said. "Every morning and every night, nandoon ako sa mga affirmations. They say, ‘di ba, na ‘pag sinasabi mo ‘yan sa sarili mo, parang magnet iyon, so iyon ‘yung magiging buhay mo. Alam mo, ‘yung mga things na hindi ko alam na kaya kong gawin, nagagawa ko pala, in a good way," wika pa ni Heaven.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/09/im-putting-myself-back-heaven-peralejo-self-love-muna-ang-uunahin/">https://balita.net.ph/2021/09/09/im-putting-myself-back-heaven-peralejo-self-love-muna-ang-uunahin/

At nito ngang Oktubre, makikita sa social media posts ni Heaven na nagbakasyon siya sa Siargao Islands kasama ang mga kaibigan, subalit walang Kiko Estrada na makikita ni isa sa mga litratong ibinahagi niya.

Larawan mula sa IG/Heaven Peralejo

Larawan mula sa IG/Heaven Peralejo

Larawan mula sa IG/Heaven Peralejo

Hindi naman nagbigay ang aktres ng mga detalye kung bakit sila naghiwalay ni Kiko.

Samantala, naispatan naman ng mga Maritess na kasama ang social media influencer na si Kimpoy Feliciano sa group of friends na ka-bonding ni Heaven sa kaniyang pagbabakasyon.

Larawan mula sa IG/Heaven Peralejo