Sinabi ni Partido Reporma chairman at standard bearer Senador Panflo Lacson na dapat isaalang-alang ng mga botante ang mga potensyal na solusyon na maibibigay ng mga kandidato para sa ikabubuti ng bansa para sa mga problemang kinahaharap ng bansa.
“The elections in May 2022 is not about personalities or those running for different elective positions either sa national or local. It is more about knowing the enormous problems and offering solutions. It is more about competence, experience, and loyalty in public service,” ani Lacson sa "Online Kumustahan" nila ni Senate President Vicente C. Sotto III.
“Ayusin natin ang gobyerno para maayos ang buhay ng Pilipino. Hindi ito kaya gawin ng isa, dalawa o sampung Pilipino lang," sinabi ni Lacson sa mga residente ng second district ng Antipolo City.
Ani Lacson ito na ang pinaka magandang oras para hindi tumingin ang mga tao sa personalidad at "gimmicks" ng mga kandidado sa halip ay sa kaseryosohan sa mga problema lalo na sa COVID-19 pandemic.
"The biggest problem of this country is government – bad government. Ang solution hindi lalayo sa problema.It lies in the face of the problem itself. Government ang solution, good government,” aniya.
Sinabi rin ng senador, na dapat maibalik ang tiwala ng mga tao sa gobyerno.
“Dapat maibalik ang tiwala sa liderato. At yan ang aming pagsisikapan," ayon sa presidential aspirant.