Palaisipan sa mga netizens kung ano o sino ang pinatutungkulan ng makahulugan o cryptic Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta, matapos niyang aminin sa publiko na mabigat ang kaniyang puso dahil tila nasa pagitan na naman siya ng dalawang nag-uumpugang bato, matapos kumandidato ang kaniyang tito at mister sa iisang posisyon---bilang bise presidente ng Pilipinas.

Ayon sa kaniyang Instagram post nitong Oktubre 12 na isang photo message, "The sad thing is, nobody ever really knows how much anyone else is hurting. We could be standing next to somebody who is completely broken and we wouldn't even know it."

Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Espekulasyon ng mga netizens, marahil daw ay stressed ngayon ang Megastar dahil sa mga isyung ipinupukol sa kaniya ng mga bashers. Kamakailan kasi ay kinukuwestyon ng mga netizens ang relasyon niya sa anak na si KC Concepcion, na hindi man lamang daw niya dinalaw sa Los Angeles, gayong naroon na siya sa Amerika upang dalawin naman si Kakie Pangilinan, na nasa New York.

Pinaparatangan si Mega na may paboritismo sa kaniyang mga anak, bagay na hindi naman pinalagpas ni Sharon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/06/megastar-nakipagbardagulan-sa-netizen-dedma-at-wala-raw-siyang-pakialam-kay-kc/">https://balita.net.ph/2021/10/06/megastar-nakipagbardagulan-sa-netizen-dedma-at-wala-raw-siyang-pakialam-kay-kc/

O kaya naman daw, dahil siguro nga sa pagsasalpukan sa kandidatura nina Senator Tito at Senator Kiko, na kung tutuusin ay hindi na bago kay Mega, dahil nagkabanggaan na ang dalawa sa pagka-senador naman, at sa ilang mga isyung tinalakay nila noong 2011.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/12/mega-hilong-talilong-kina-tito-at-kiko-i-find-myself-in-the-midst-of-two-rocks/

Marami naman sa mga celebrities ang nagkomento ng praying hands emoticons gaya nina Dimples Romana, Pops Fernandez, Karla Estrada, Jed Madela, at iba pang mga followers ng Megastar.