Sa patuloy na isyu kung maayos ba ang relasyon ngayon ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, lalong naiintriga ang mga netizens ngayon sa panibagong 'hugot post' ni KC, na para umanong parinig sa Megastar.

"Independent woman… but sometimes you just want to be babied," caption niya sa latest Instagram post na may kalakip na video niya habang naglalakad.

KC Concepcion (Larawan mula sa IG)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Iniisyu kasi si Mega kung bakit si Frankie lamang ang dinalaw nito sa Amerika, samantalang si KC ay nasa Los Angeles, California. Isang netizen pa nga ang nangahas na nagsabing may favoritism umano ang Megastar, bagay na sinagot naman kaagad nito.

Espekulasyon naman ng iba, baka kaya hindi makadalaw si Mega kay KC ay dahil limitado lamang ang oras nito; kailangan na niyang makabalik kaagad sa Pilipinas para sa pangangampanya ng kaniyang mister na si Senador Kiko Pangilinan na isang reelectionist.

May mga nagsabi naman na ang ibig sabihin umano ni KC dito ay lalaking aalagaan at mamahalin siya, kaya marami rin ang nagbigay ng komento tungkol dito.

"I had this feeling before, you just haven’t found that person! Don’t search for him coz when it comes, that’s forever!"

"May you find your soulmate. Keep exercising to stay fit! Not necessarily to be thin but to be fit.."

"That person should be very special because you already have it all. Hope you can find him soon and he will shower you with all the love you deserve."

"Dont give up! Someone still want you to be his babes, somewhere out there in a perfect time… enjoy your life."

"This is what I like about you. So cool & full of positivity. Deadma ka lang mga nega news and comments about you. Toxic families are inevitable but I always admire how you handle these things. So classy. We love you."

Nasa New York pa rin si Shawie as of this writing. Ibinida niya ang balkonahe ng tinutuluyang condo.

Sharon Cuneta/Larawan mula sa IG

“From the first floor balcony of my two-storey suite. Cool, fresh air. Loving New York still,” saad sa caption.

Wala namang balita kung nagkita na ba sila ng kaniyang anak na si KC.