Sisimulan na ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 12 hanggang 17 sa anim na ospital sa Metro Manila bilang bahagi ng ng pilot implementation ng pediatric inoculation sa bansa, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Ipinaliwanag ni vaccine czar at chief implementer ng NTF Against COVID-19 Secretary Carlito Galvez Jr., ang pilot implementation ng pediatric inoculation ay isasagawa sa Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, at Fe del Mundo Medical Center all sa Quezon City; Pasig City Children’s Hospital sa Pasig City, at Philippine General Hospital sa Maynila.

“Gagawin po nating phased at ang uunahin natin ay ang 15 to 17, and then 12 to 14," ayon kay Galvez sa isang vaccination event sa Angeles, Pampanga.

Ang target date ng implementasyon ay sa Oktubre 15 at ang uunahin ay ang mga indibidwal na may comorbidities. At pagkatapos ng 14 na araw, uumpisahan na rin ang pagbabakuna sa mga kabataan sa anim na lungsod sa Metro Manila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kabilang sa nasabing mga lugar ang Pasig City, Taguig City, Makati City, Quezon City, Mandaluyong at Maynila.

Mapapalawig ito sa iba pang lugar sa Metro Manila at iba pang rehiyon pagkatapos naman ng 30 na araw, dagdag pa ni Galvez.

“Ang initial sa pilot, more or less ilang libo lang muna for meantime ang oobserbahan. Kapag nakita na walang side effect or major adverse effect ay itutuloy ‘yon. Ang gagawing bakunahan sa mga bata ay phased, closely monitored, at sequential," paglalahad ni Galvez.

Plano ng gobyerno na makapagbakuna ng 12.7 na milyong kabataan sa early stage ng pediatric inoculation.

Idinagdag pa ni Galvez, naglaan na sila ng 60 milyong doses ng bakuna para sa 29 milyong kabataan sa bansa.

Martin Sadongdong