Sa pagpasok ng buwan ng Oktubre, nananatili pa ring suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Metro Manila.

Inaabisuhan ng MMDA ang publiko na patuloy na sundin ang mga alituntunin ng pamahalaan sa pagpapatupad ng Alert Level 4 hanggang Oktubre 15 sa rehiyon.

Ayon pa sa MMDA kahit saan magpunta, tandaan ang public health protocols upang mapangalagaan ang sarili, pamilya at ang komunidad laban sa COVID-19.

Bella Gamotea

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?