Pinapayagan nang maisakay ng mga pasahero ang kanilang folding bikes sa mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa MRT-3, kabilang sa mga folding bikes na maaaring isakay sa tren ng MRT-3 ay yaong hindi lalagpas sa 20-pulgada ang dayametro.

Samantala, ang mga siklistang bibiyahe sa MRT-3 ay maaari ding mag-iwan ng kanilang bisikleta sa bicycle racks sa mga istasyon ng linya.

Sang-ayon na rin ito sa layunin ng pamunuan ng MRT-3 at ng Department of Transportation (DOTr) sa pagsusulong ng active transport lalo sa panahon ng new normal.

Reso na magbabasura sa impeachment ni VP Sara, hindi pa nakikita ni SP Chiz

Maaaring mag-iwan ng bisikleta sa bicycle racks at magdala ng sariling padlocks ang mga pasahero tuwing operating hours ng MRT-3.

Matatandaang simula nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic at magbawas ng bilang ng transportasyon ang pamahalaan, ay marami ng mga mamamayan ang gumamit ng bisikleta para sa kanilang pagbiyahe.

Mary Ann Santiago