Mataas ang pangangailangan ng dugo sa Philippine General Hospital (PGH) kaya't nanawagan na ang ospital ng mga donasyon matapos maabot ang “very critical” level sa kanilang suplay.

Bukas ang PGH Blood Donor Lunes hanggang Linggo mula ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon, kabilang ang holidays.

Tinatanggap din ang walk-in donors mula ika-8 ng umaga hanggang ika-2 ng hapon.

“We encourage voluntary, non-remunerated, non-predeposit, [and] non-replacement donors,” sabi ng ospital sa isang Facebook post.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Larawan at QR Code mula sa PGH via Facebook

Samantala, maaaaring makipag-ugnayan sa UP PGH Blood Bank ang mga nais maglunsad ng blood donation drive.

Gabriela Baron