Bukas umano sa pagkapresidente o pagkabise presidente sa halalan sa susunod na taon si dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ayon kay Senador Imee Marcos nitong Lunes, Agosto 30.

Usap-usapan na kukunin umano ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) bilang "guest candidate" si Bongbong matapos na tanggihan ni Senador Christopher "Bong" Go ang endorsement ng party bilang presidential bet.

Ani Imee, lahat ng party ay kinakausap umano ang kanyang kapatid.

Parte ng Nacionalista Party (NP) si Bongbong, ngunit ito ay malapit sa Kilusang Bagong Lipunan (KBL) na dating binuo ng kanyang ama na si President Ferdinand E. Marcos.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nauna nang sinabi ng Senadora na ang usap-usapang Sara Duterte-Bongbong Marcos tandem ay parang isang "marriage made in heaven."

‘’It is clear we are with the (Duterte) administration,’’ pagdidiin ni Imee at sinabi rin niyang malapit ang mga Marcos sa Duterte family.

Gayunman, tutol umano si Pimentel sa pagkuha ng isang tao sa labas ng party bilang presidential candidate.