Nagbabadya muli ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng ₱0.90 hanggang ₱1.00 ang presyo ng kada litro ng gasolina at 0₱.80-₱0.90 naman ang marahil na tapyas-presyo sa diesel at kerosene.
Ang nakaamba na price adjustment ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sakaling ipatupad, ito na ang ikatlong sunod na linggong nagsagawa ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong Agosto.
Bella Gamotea