Inaasahan na ni Terrafirma coach John Cardel na hindi na makalalaro hanggang matapos ang 2021 PBA Philippine Cup ang top rookie pick nilang si Filipino-American Joshua Munzon dahil sa injury sa kanyang daliri.

Na-dislocate ang kaliwang hinliliit ng 6-foot-4 na si Munzon noong Hulyo 30 sa 83-105 na kabiguan sa kamay ng Magnolia Hotshots, ayon kay Cardel.

"More likely Josh will miss the rest of the conference because of his injury," ang may panghihinayang na sabi ni Cardel. "We felt bad because he was starting to adjust well (to PBA play) when he sustained the injury."

Si Munzon na dating player ng Asean Basketball League ay nag-averaged ng higit sa 11 puntos sa kanilang at di lalagpas ng 2 rebounds kada laro sa 0-4 na panimula ng Terrafirma.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mabuti na lamang at nagsimula ng umangat ang laro ng second-year wingman na si Roosevelt Adams na may double-double averages na 13.5 puntos at 11.75 rebounds kada laro na inaasahan nilang makatutulong magpuno sa pagkawala ni Munzon.

Gayunman, naniniwala si Cardel na mahalaga pa rin ang teamwork para sa Terrafirma upang sila ay umangat.

Ang PBA Philippine Cup ay inaasahang makababalik sa susunod na buwan sa Pampanga matapos silang payagan na makalarosa lalawigan.

Marivic Awitan