Inamin ng National Task Force against COVID-19 na multi-tasking na ang mga medical frontliners dahil sa bumibigat na hamon ng nararanasang pandemya.

Ikinatwiran ni testing czar at deputy Chief Implementer Vince Dizon, hindi nagtatapos sa pagbabakuna lang ang trabaho ng maraming mga medical workers na madalas nakikita sa mga vaccination center dahil nagdu-duty din sila sa iba't ibang ospital.

Ipinadadala rin aniya ang mga ito sa iba't ibang testing centers na kulang ng mga tauhan.

Kaya panawagan ni Dizon, sikapin na lang din na maging disiplinado, lalo na kapag nakapila sa mga lugar ng bakunahan, gayung ang kailangan ngayon ay hindi lang ang pagkilos ng national at local government kundi pati na rin ng pakikiisa ng publiko.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Beth Camia