Asahan ang muling pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng P0.40 hanggang P0.50 ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene, at P0.25-P0.35 naman ang posibleng itapyas sa presyo ng gasolina.
Ito ay resulta umano ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Matatandaang nagpatupad ng bawas-presyo ng langis ang mga oil companies nitong Agosto 10.
Bella Gamotea