Patay ang isang miyembro ng Parañaque City Police matapos sagasaan ng lasing na driver habang nasa duty sa quarantine control checkpoint sa lungsod, kamakailan.
Binawian ng Uni-Health Medical Hospital nitong Agosto 8 sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Corporal Nestor Guslab Jr. ,28, nakatalaga sa Parañaque City Police Station.
Under custody na ng pulisya siDominic Alastair David, nasa hustong gulang, driver ng silverToyota Corolla Altis na may plakang PQR 414 matapos maaresto pagkatapos ng aksidente.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naka-duty sa quarantine control checkpoint si Guslab sa Dr. A. Santos Avenue, malapit sa Loyola Memorial Cemetery, Brgy. San Antonio nang biglang sumulpot ang kotseng minamaneho ni David na mabilis ang takbo.
Sa halip na huminto sa checkpoint, mabilis pang pinaharurot ni David ang sasakyan hanggang sa mabangga si Guslab.
Sinampahan na si David ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, paglabag sa Republic Act 10586 (Anti-Drunk Driving Law) at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bella Gamotea