Makakaranas ng kalat-kalat hanggang malalakas na pag-ulan sa loob ng 24 oras sa ilang bahagi ng bansa na dulot ng low pressure area (LPA) at southwest monsoon o “habagat”, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng hapon, Agosto 9.

Sa abiso ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 335 kilometro sa Silangan ng Borongan, Eastern Samar.

PIXABAY

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Magdadala ito ng malakas na pag-ulan sa Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

Pauulanin naman ng habagat ang Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga lugar na apektado ng LPA at habagat na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaasahang makararanasnaman ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ng makulimlim na panahon, kalat-kalat hanggang pabugso-bugsong ulan.

Ellalyn de Vera-Ruiz