Dulot ng pandemya, halos karamihan sa mga kumpanya ay nagkaroon ng "work-from-home" scheme upang matiyak ang kaligtasan ng kani-kanilang mga empleyado. Kaya naman, nauso ang pagkakaroon ng opisina o kaya naman ay workstation sa loob mismo ng bahay. Mas nakakagana nga namang magtrabaho kung ang pakiramdam ay parang nasa opisina ka lamang.

Kagaya na lamang ng isang Overseas Filipino Worker o OFW na nagngangalang Vincent Lubuguin, 30, isang technical officer for 2D and 3D construction drawings sa Singapore. Pinusuan ng netizens ang ibinahagi niyang Facebook post sa social media group na 'Home Buddies.'

Larawan mula sa Facebook account ni Vince Lubuguin

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Ibinida lamang naman niya ang kaniyang 'Pokemon-themed' na workstation sa kaniyang bahay. Itinampok niya ang antuking Pokemon na si Snorlax.

"Noong mag-lockdown dito sa Singapore last year, ni-require kaming mag-WFH kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para magdisenyo ng sarili kong work area. Naisip kong gawing kakaiba yung set-up para ganahan ako magtrabaho kahit nasa bahay. Since Pokemon toy collector ako since 2001, naisipan kong gamitin ang mga collection ko para gumawa ng Pokemon-themed workstations," aniya sa panayam ng Balita.

Iba-ibang Pokemon umano ang ginagawa niyang tema kada buwan at nagkataong Snorlax concept ang ginawa niya. May mga naka-assign na ring Pokemon sa susunod na buwan.

Larawan mula sa Facebook account ni Vince Lubuguin

Larawan mula sa Facebook account ni Vince Lubuguin

Larawan mula sa Facebook account ni Vince Lubuguin

"Masaya at nakakaalis ng pagod makita yung mga collection ko na nakadisplay sa ginawa kong workstation. Masarap din sa pakiramdam na maraming natutuwa at nagpapakita ng suporta sa mga ginagawa kong designs. Sana makapag-inspire ako ng ibang tao na makagawa ng iba't ibang designs gamit ang kanilang collections."

Nagbigay naman siya ng mensahe sa mga kagaya niyang hilig din ang house renovations o house design.

"Ang advice na maipapayo ko sa mga gustong magpa-renovate ng bahay nila ay huwag magmadali sa pagpapaganda ng bahay. Mainam na alamin muna kung anong style ang gustong ma-achieve, mag-budget ng mga bagay na ilalagay sa bahay at higit sa lahat, magkonsulta o humingi ng advice sa mga professionals," paalala pa niya.