Nahawaan na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Senator Richard Gordon.
Ito ang inamin ng senador sa isang panayam nitong Miyerkules at sinabi niyang naka-home quarantine na ito.
"Ako mismo, right now. Natamaan ako. So I’m staying home,” aniya. Sinabi rin nito fully-vaccinated ito at siya ay nananatilingasymptomatic.
Aniya, kahit siya ay asymptomatic, sumasailalim din ito sa regular test at nananatili na muna ito sa kanilang bahay bilang pagsunod sa ipinatutupad na protocol ng Inter-Agency Task Force.
Dahil dito, sasailalim na rin aniya sa COVID-19 test ang kanyang asawa.
Matatandaang tinamaan na rin ng virus sinaMajority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Sonny Angara, Aquilino Pimentel III, Ronald dela Rosa, at Ramon "Bong" Revilla, Jr.