Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na baka puwede nang humingi ng paumanhin ang mga tao na nagdawit kay Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz sa tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte dalawang taon na ang nakararaan.

"Apologies cannot be demanded nor urged. Even if the apologies are volunteered, they are worthless if not offered with sincerity. That said, it is only Malacañang who can on their own decide to offer that public apology to Hidilyn Diaz as well as to sports enthusiast and writer Gretchen Ho for wrongfully including them in a matrix authored by 'Bikoy,'" paglalahad nito.

Si  dating Presidenial Legal adviser Salvador Panelo ang nagdawit sa dalawa at ibang personalidad batay sa isang bidyo ni "Bikoy" Itinanggi na ito ni Diaz at Ho.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Kaugnay nito, iminungkahi rin ni Lacson sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na gawing commissioned officer si Diaz na may kasalukuyang ranggong sarhento sa Philippine Air Force batay na rin sa umiiral na batas.

Leonel Abasola