Iniutos na ni Philippine National Police (PNP chief General Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa siyam na police general na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na sangkot umano sa illegal drugs.
Ikinatwiran ni Eleazar, walang puwang sa organisasyon ang mga tiwaling pulis, lalo na ang dawit sa ipinagbabawal na gamot.
Layunin ng pagsisiyasat na matukoy ang mga nasabing heneral.
Sa kanyang SONA, ipinaliwanag ni Duterte na kaya siya nagagalit dahil nakikipaglaban ito sa kanyang gobyerno kaugnay ng kampanya nito kontra iligal na droga.
Hindi na rin idinetalye ng Pangulo kung aktibo pa sa serbisyo ang mga ito.
Matatandaang sa unang pagbubunyagng Pangulonoong Hulyo 2016, isinapubliko nito ang pagkakakilanlan ng limang heneral ng pulisya na umano'y protector ng sindikato kaya patuloy pa rin ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa.