Namahagi na ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units (LGUs) sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong 'Fabian' sa anim na rehiyon sa Luzon.

Naiulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng DSWD, ang naturang ayuda na nagkakahalaga ng₱3,870,596.50ay naipamigay na sa anim na rehiyon nitong Linggo ng gabi.

Kabilang sa mga rehiyon na naapektuhan ang Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Ilocos, Central Luzon, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), at Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Idinagdag pa ng DROMIC na aabot sa 51,680 pamilya o 211,458 indbidwalang apektado ng pagbaha.

Charissa Luci-Atienza