ILOILO CITY - Ini-lockdown na ang monasteryo ng Carmelite Order sa lungsod na ito matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 24 na madre at siyam na tauhan, kamakailan.
Sa pahayag ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Iloilo City Health Office (ICHO), nitong Linggo lamang ini-report sa kanila ng Carmelite Monastery sa La Paz na 33 sa kanila ang nahawaan ng sakit.
Binanggit ng ICHO, kabuuang 102 na ang kaso ng COVID-19 sa lugar, hanggang nitong Sabado.
Hindi na ipinaliwanag ng ICHO kung paano tinamaan ng sakit ang mga ito.
Matatandaang isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang siyudad mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 31 upang hindi na lumaganap ng sakit.
Tara Yap